05
Oct

romantic-comedy-flicks-sucker-and-yes-i-am

trulalu. i love romantic-comedy types of movies and series. it’s always the first thing that i look for whenever i want to watch something… given that i always want to laugh op kors gusto ko rin ung kikiligin ako habang humahagalpak sa katatawa hanggang sa hindi ko na mapigilin ang sarili ko at tuluyang maiiyak katatawa (see? iyakin talaga lulz tears of laughter, tears of joy =p)

i have watched numerous movies. wala naman akong favorite, pero may mangilan-ilan na movies na kahit papaano hindi ko makakalimutan. i can say i’m a hopeless romantic. late bloomer din kasi. clueless at times. a work in progress. i have lots to learn and i’m embracing everything. kaya mapa-single or in a relationship or kahit it’s complicated man ako (ano ‘to ?! parang status lang sa frenster n fezbuk ah lulz) eh hindi pwedeng hindi ako makakanood ng ganitong mga movies that will make me smile and believe on love even more. but don’t think i’m only limited to this kind of flicks… believe me, madali lang akong kausap. kahit anong palabas pa yan, panonoorin ko basta…. kung ikaw ang maagyayaya dapati-LIBRE MO KO! lulz o_O

i‘ve found almost everything ever written about love to be true. shakespeare said “journeys end in lovers meeting.” what an extraordinary thought. personally, i have not experienced anything remotely close to that, but i am more than willing to believe shakespeare had. i suppose i think about love more than anyone really should. i am constantly amazed by its sheer power to alter and define our lives. it was shakespeare who also said “love is blind”. now that is something i know to be true. for some quite inexplicably, love fades; for others love is simply lost. but then of course love can also be found, even if just for the night.

and then, there’s another kind of love: the cruelest kind. the one that almost kills its victims. it’s called unrequited love. of that I am an expert. most love stories are about people who fall in love with each other. but what about the rest of us? what about our stories, those of us who fall in love alone? we are the victims of the one sided affair. we are the cursed of the loved ones. we are the unloved ones, the walking wounded. the handicapped without the advantage of a great parking space! yes, you are looking at one such individual. and i have willingly loved that man for over three miserable years! the absolute worst years of my life! the worst christmas’, the worst birthday’s, new years eve’s brought in by tears and valium. these years that i have been in love have been the darkest days of my life. all because i’ve been cursed by being in love with a man who does not and will not love me back. oh god, just the sight of him! heart pounding! throat thickening! absolutely can’t swallow! all the usual symptoms.

okay fine. enough of this. kiso atak sign off muna. lulz epekto ata ito ng walang boses. koneksyon? wala! o_O


18
Sep

another wedding…

ahoist! naman! oh well, tutal bihira na ako magbukas ng friendster at nagkataon na nagbukas ako ngayon eh lulubus-lubusin ko na pati pag-update ng blog ko dito… ^^,

at ano nanaman itong nararamdaman ko, may paparating na kaganapan nanaman… at kasalanan este KASALAN nanaman… hanubeeee lulz hindi ko muna sasabihin kung sino naman itong taong ito na nagdesisyon nang itali ang kanyang sarili sa kanyang mahal… itali?! teka parang ang sagwa atang basahin at pakinggan… rephrase…. isang taong nagdesisyon nang magpatali at makaisang dibdib ang taong kanyang pinakamamahal (ehhhkkkkkewwwwwwwww *biro lang….) ;p

kay bilis na nga naman ng panahon… eh parang kelan lang “may i go out ka lang to speak with your mahal sa phone” now “may u now kiss the bride” na ang eksena… aba aba aba ay siya wala naman akong karapatang kumontra at wala akong balak kumontra dahil hindi naman ako kikita sa pagkontra noh keyr ko ba?! nde naman ako ang gagastos sa kasal lulz…

hayaan mong batiin kita (kayo) ngayon palang ng CONGRATULATIONS and BEST WISHES! at sanay lalo pa kayong magmahalan ni mahal mo hekhekhek…. pde sa susunod walang gulatan na kasama pala ako sa entourage! ngayon mamumrublema nanaman ako ng susuotin! hala! at tulad parin ng dati, malamang damay nanaman ako sa kasalang ito…. hanufangaba?!?! o_O

07
Sep

someday we’ll know…

maraming bagay tayong hindi natin akalaing mangyayari sa ating mga buhay… actually LAHAT talaga ng mangyayari sa buhay natin ay hindi natin alam, kahit na eto na’t nai-plano mo na ang gusto mo, eto na ang inaasahan mo eh iba pala ang plano ni bro… at dahil diyan sometimes we tend to question HIM why?! oh, why?! with matching pagmumukmok pa yan lalo na kung hindi bukal sa loob natin para tanggapin kung ano man yung mga pangyayaring yun…

so many questions need an answer…

hindi naman ako exempted sa mga ganitong eksena, pero hindi pa naman ako umaabot sa puntong halos magwelga na ako kung bakit ganito, bakit ganiyan, bakit ako at hindi nalang siya… kasi para sa akin ang lahat ng bagay/kaganapan na dumarating at nakakasalubong ko sa aking paglalakbay ay may dahilan… lalo na kung pag-ibig ang paguusapan… hala eto nanaman… o_O

is true love just once in a lifetime?

naniniwala ka ba diyan…. sa tadhana? ewan ko kung kelan pero dumating yung point na, umayaw na ako. okay na ako sa ganito. baka hindi talaga para sa akin yan. ayoko nang magmahal muli. ayoko nang masaktan. ayoko na maghintay. kung baga sa bugtong, sirit na ako. pero dumating ka, nakilala kita, umeksena ka sa buhay ko at binago mo ang pananaw ko pero hindi naman ako nagrereklamo.

pinasaya mo ko. binigyan mo ko ng panibagong dahilan para magmahal muli, na hindi pa pala ako bato, na pwede pa pala akong maniwala sa “love” nayan. na pwede pa pala ang happy ending. na posible pa ang lahat basta ginusto.

if i could ask God just one question… why aren’t you here with me tonight?

bakit anjan ka at nandito ako? bakit wala ka ngayon sa tabi ko? bakit ang layo mo? maraming tanong. bakit, ano, saan, kalian at paano… kayanin ko ba? kakayanin mo ba? hanggang saan? hanggang kalian? kahit na malayo? malalagpasan kaya natin ito? hanggang sa huli ba’y ikaw at ako?

someday we’ll know..

pareho naman tayong walang ideya. kahit sila hindi rin nila alam kung ano ang pwedeng maganap. pero nde man natin alam, nde man tayo sigurado, nde ako bibitiw, nde kita iiwan. andito lang ako, umaasa na ikaw na nga para sa akin. malay mo naman diba? ikaw na pala ^^, pero kung hindi, e di…..

someday we’ll know, why i wasn’t meant for you….

someday you’ll know that i was the one for you… o_O

28
Jul

passport

ngayon ang itinakdang araw ng pagpunta namim ni mader sa dfa para magparenew ng passport… sa wakas natuloy din kasi as early as april pa dapat kami magre-renew pero busy c mama palayas-layas at sa paga-attend ng samu’t saring meetings/conventions/retreats/seminars at hindi magkatugma ang aming mga schedules…. newayz, kung tutuusin naitanong ko nga sa sarili ko kung bakit kinailangan ko pa ito i-renew eh ni minsan nde ko nagamit dahil lahat ng mga plano ko sa loob ng 5 taon na hawak ko ung passport eh hindi man lang natupad… kahit isa! my gally… laging postponed… or nde na pde ung mga dapat kong kasama… kaya ayan… muntik ng tubuan ng kabuti ang napakalinis kong pasaport…

nung first time ko mag-apply, naalala ko na ang aga² namin ni mader sa dfa… nde ko alam kung excited cia masyado magrenew ng passport nya (kc 1st timer ako) or gusto nya lang unahan ung guards na magbukas ng gate para sa publiko… hehe matapos makapasok sa gate, derecho na sa basketball court, magfill-up ng form, siguraduhing naka-attached na ang mga necessary documents at ang litrato para walang aberya sa pagsubmit ng application form… at dahil pinoy tayo, wag ka na magtaka kung sa loob makakakita ka ng mobile photo studio/photocopy machines/tindahan ng ballpen/stapeler/paste/etc… pagminamalas ka at napuna ung size o pagkakuha ng litrato sa’yo eh kelangan at mapipilitan kang i-avail ang 1-minute ready na passport-sized pektyur… akala mo nakamura ka nung nagpakuha ka sa labas ng litrato un pala lalo papala mapapagastos… pagkatpos dito, verification naman tpos payment tapos submission of application forms… simpleng proseso lang naman dapat kung tutuusin… “ang dali lang pala eh…” yan ang mga salitang namutawi sa aking bibig matapos kong mai-submit ng swabeng-swabe ang aking application form for passport…

pero nde yan ang pakay ko ngayon… hehe kanina kasi, un nga magrerenew kami ng passport. naglalakad kami papunta sa gate ng DFA (side gate). at bago pa ako nakatapak sa bangketa, may mamang lumapit sakin… eh isnabera ako sa mga ganyan kasi takot ako sa budol-budol gang… hehe may sinabi cia… ang pagkakaintindi ko nung una, parang nagtatanong cia, basta may word na “dfa” nalang ang naintindihan ko.. dahil nga nde ko pa narerealize na isa pala ciang barker ng isa sa mga sandamakmak na eklavu dun sa labas ng dfa, nde ko na cia nilingon at pinansin…

ewan ko ba dito sa nanay ko nde pa nadala hehe… na-sales talk daw cia… eh kasi nga naman nde naman kami tambay sa dfa so ano bang malay namin na ung mga nasa labas eh isang malaking hocus-pocus lamang… at dahil ang aga ko nga nagising, nde pa nagsink-in sakin na parehas lang ung eksena kanina sa mga scenario pagnasa PRC, NSO, at kung anu-ano pang govt chuchublabla.. bigla nalang napapunta kami sa isang stall, at chinika na ni mama ng husto ung mga tao dun eh ang gusto lang naman namin eh malaman kung san kami pupunta para magrenew. aba binigyan kami kagad ng form, pinalabas ang mga picture namin kelangan daw apat (un pala 2 lang ang kelangan), at inoofferan kami na magbayad ng 800 pesos para sa renewal, nde na daw kami pipila sa loob kesyo daw Php 1,500 daw ang binabayaran pagrenewal.. and then….  bingo! dun ako nagkaulirat bigla hehe sa isip-isip ko kasi 5 years ago Php500 lang ang fee pag regular application… tpos maririnig ko Php 1,500? ano un gold plated ang mga pangalan namin… hehehe at take note Php 3.00 per page ang photocopy eh jusme mas malinaw pa ung 0.50 cents na photocopy dun sa taft… total rip-off talaga aabutin mo pagnagmamaang-maangan ka… kaya sabi ko kay mader “tara na!” kasi baka pagnagtagal pa kami dun maimbyerna nako… :p

so dun kami sa tamang proseso… pila dito.. pila doon… okay na sana eh… kaso sa nde ko malamang dahilan, kelan pa naging mga pipi mga nag-aassist dun sa loob… i mean… bad breath ba sila, bwal ba magsalita kasi may fine? kelangan ko ba matuto muna ng sign language bago ko sila makausap? my gulay hahaha maswerte ka pagsinagot ang tanong mo kaso nga lang nagiging ONE LINER na ang mga kilay nila at nakasimangot… kelangan galit!? menopausal ba?! hahhaha hay naku… watta day! sa madali’t sabi natapos ko nman ang kelangan kong matapos sa dfa… si mader nalang ang magppick-up pero sana dis time magamit ko na ang passport ko… sayang naman ang pages… buti sana kung pdeng gawing photo album un! hahaha

paalala sa pagkuha ng passport…


wag na kayo hihinto sa paglalakad…
wag nyo na pansinin ung mga taong lumalapit sa inyo at sasabihing “ito kelangan mo, ito fill-upan mo, ito bilhin mo… dito ka na magbayad, etc. etc. etc.”
siguraduhing kumpleto na ang documents bago  pumasok ng dfa para makatipid like photocopy ng previous passport (if renewal), pictures (blue background), magdala ng sariling ballpen, paste/stapler, or kung renewal siguraduhing dala nyo ang mga authenticated copies/photocopies at ang original copy just in case hanapin sa inyo…
magdala ng pera… pambayad siyempre!
wag mainit ulo lalo na kung balak mong magtanong sa kahit sino mang tao sa loob ng DFA kasi for sure pasigaw ka nilang sasagutin sa tanong mo o kaya mafi-feel mo na “wag mo na ako kausapin.. pde” lelz

O_o

21
Jul

it’s not you… it’s me…

paano mo nga ba sasabihin sa taong minahal mo o karelasyon mo na ayaw mo na? “it’s not you, it’s me…

nasabi mo na ba yan? ito ang isa sa mga linyang madalas at convenient na sasabihin ‘pag nakikipaghiwalay na ang isang tao sa kanyang karelasyon at ayaw na nyang dagdagan pa ang burden ng hinihiwalayan… (did you get my point?! hehe) at bakit ganito ang topic ko ngayon… ewan ko… siguro dahil sa paguusap namin ng pinsan ko kagabi este kaninang madaling araw dahil sa problemang pag-ibig na yan… (ay binabati ko nga pala ikaw tita chris hehe) eh bumalik lahat sa alaala ko ang tungkol sa relationships… lalo na ang break-up and break-up lines…

mabalik ako sa mga katagang yan… “it’s not you, it’s me…

some people have used this phrase before, and believe me meron parin gumagamit ng phrase na ito kahit kasing gaspang na ng papel de liha ang linyang yan… pero kadalasan, opposite naman ang natatanggap na message ng other party sa kung ano ang gusto mong iparating… so they start thinking that it’s their fault, na sila ang may problema at hindi ikaw… well in some cases this might be true…

actually, ang sinasabi lang ng phrase na yan is “ako ang may problema, hindi mo kasalanan, etc…” pero syempre ang ‘di binabanggit dun ay “nagbago ako in a way na ayaw ko na sa’yo…” mahirap ipaliwanag why and how things changed. anong nangyari? paano ka napunta sa ganitong desisyon na pakikipaghiwalay? bakit nga ba nawawala ang “love” na yan? does it mean wala naman palang involved na pagmamahal after all? naglalaho ba talaga ang love? totoo bang pde ung na “fall out of love ka?” akala ko ba forever ang love? o diba dami talagang tanong na mahirap sagutin…

kung ako ang tatanungin… mas gugustuhin kong sabihin ang dahilan talaga… mas gusto ko malaman ang totoong dahilan kahit masakit dahil mas madali kong maiintindihan ang pinagmulan ng desisyon ng karelasyon kung bakit humantong sa pakikipaghiwalayan… minsan, mahalaga pa ang ungkatin ang problema kung nasa point pa ito na baka pde pang maayos… pero minsan din, para sa ibang tao at lalo na kung sa tingin nila eh beyond repair na ang relasyon, eh dedma na lang… hindi na sa kanila importante kung bakit. explaining would just make it hard and hurt more for both parties. para kasing u’re just rubbing salt to an injury na lang… basta ako, gusto ko malaman ang dahilan, masasaktan narin lang naman ako bakit hindi isang blow nalang…  diba?! =p

kung tatanungin ka na ng partner mo kung anong nangyari, anong sasabihin mo? alam mo ba kung anong nangyari? saan ba nagsimula at paano nagsimula ang panlalamig na nararamdaman mo ngayon? kung ikaw hindi mo masasagot, paano mo pa ipapaliwanag? minsan naman, alam mo naman talaga ang sagot. ayaw mo lang tanggapin na ganun ang nangyari.

iniisip mo kung paano mo sisimulan ang usapan. mas importante ata kung paano mo tatapusin. kung pwede nga lang sabihing ayoko na sabay walk out. kaso hindi, kailangan din kasi ng explanation. pero kahit anong explanation naman ang gawin mo, hindi agad pumapasok sa utak ng kausap. shocking kasi ito para sa iba. ikaw ba naman sabihan bigla bigla ng ganyang linya, na all the while akala mo okay ang lahat, tapos biglang BOOM!!! buti sana kung ang after ng ka-blam, ka-pow at ka-boom eh it became a cococrunch pero hindi… diba ka-windang talaga… hindi naman mutual ung desisyon, kaya natural mabibigla ung isa… samantalang yung iba naman nag-aabang na pala na magsalita ka… ung gusto nalang nya marinig mula sa’yo para malinaw…

may mga ganito rin kasi. parehong nagtitiis at naghihintayan. ayaw nilang maging responsible sa hiwalayan. kaya kahit matagal ng gustong kumalas, tiyaga lang. o kaya naman gagawa ng kung anong kalokohan para magkaroon ng rason yung isa na humiwalay na. pero paano dun sa mga taong sadyang mabait at maunawain, na kahit anong gawin mong kalokohan eh hindi man lang sumasagi sa isipan nyang niloloko mo nga siya… hay lablayp nga naman…

pero bakit mo pa dadagdagan ang sakit na idudulot mo? mahirap na ngang makipaghiwalay dahil hindi mo na mahal yung tao.  huwag mo ng dagdagan ng kagaguhan. sabi nga nila “lalake kang nanligaw dapat magpakalalaki ka rin na harapin kapag makikipaghiwalay ka…” (siyempre sa lalaki applicable ung sentence na un hehe) kung sa bagay, kahit anong hinay ng pag-uusap, kapag hiwalayan ang topic, mahirap talaga.

hindi naman kasi basta-basta lang ang pakikipagkalas. pinagiisipan ng husto yan. at kapag napagisipan na, handa ka ba? kaya mo na bang magsalita ng derecho na parang nde nabibilaukan? kaya mo bang panindigan ang magiging desisyon mo? at kapag nasabi mo na, baka naman bawiin mo ito kinabukasan? abah eh magisip-isip ka. siguraduhin mong ito nga ang gusto mo.

of course, people who use this line are just trying to soften the blow a bit – to ensure that you you’re a great and caring person, a person who’s perfectly right… for someone else… parang may maiwan ka pang pride para sa sarili mo… parang pa-konsuelo ung dating noh… hehe pero kung tutuusin, if you’re the right one para sa kanya, it wouldn’t matter whether nasa milky way pa siya nakatira, dahil gagawa at gawagawa yun ng paraan to make it work.

05
Jul

anxious love…

what if one day, you’d find someone whom you feel is the right one but the two of you are different in so many ways… will you let love find it’s way and hold onto it or just let go and think it’s better doing so?! well, i can’t get over with “city hall” coz it’s just so funny and romantic that whenever i hear its soundtrack, i’m beginning to speak the korean language all of a sudden hehe… =D

can I really fall in love with you?
why do I feel so anxious?
i’ve never felt this way before.
you must be special.

i do not fear love,
even if separation will come soon.
however, I do not want this love,
because I will keep on yearning for more.

like water freely flowing in the stream,
i will entrust my heart to you.
as each day passes,
i’ll find something that needs to be thrown away one at a time.

if I have you by my side,
if I think about you,
if I love you,
you seem like a person that won’t stay long.
if I let you go,
if I leave you,
you seem like a person that will love me more.
anxious love.
even so, i like this love.

i love on my own, i let go on my own.
this true love,
i’ve waited so earnestly for you, but
we are ill-matched.
an unfortunate love.

if I have you by my side,
if I think about you,
if I love you,
you seem like a person that won’t stay long.
if I let you go,
if I leave you,
you seem like a person that will love me more.
anxious love.
even so, i like this love.

therefore, I will hold onto this love.

men and women are not equal. we are different as individuals… what we choose to do with those differences determines, perhaps more than love, what our relationship will look like. according to one article that i’ve read while surfin’ the net… “when you communicate for understanding, and make your relationship a priority, you do have a chance of succeeding where so many other millions have failed.” yes, it takes work. working on your relationship is a fulfilling labor of love… =p

05
Jul

trisha klein who?!

at hindi ito knock knock joke para isagot ang “trisha klein who?”

sino nga ba talaga yang trisha klein na yan? bigla bigla eh may blog pa tungkol sa kanya? basta, itago na lang natin siya sa pangalang trisha klein (screen shot ng babae na pixelated ang mukha sa tv o kaya naman ay nakatalikod habang na modify ang boses din nya na para bang bass ang tono nya sa choir. babaeng “bass ang boses” habang humihikbi… JOOOOOOKE!!!)

(pasok ang instrumental ng awitin ni sharon cuneta “high school life” … iwww!!!)

eh ni hindi ko nga eto kaklase o kaeskwela man lang nung hay skul eh. impact, sila ng kapatid kong si maricris ang magkaklase. noon, hindi ko naman “friend” si trisha klein kundi “acquaintance” lang (naks, marunong ng lumevel ng mga pagkakakilala ng tao no, trisha klein? asenso!!!). isang taon ang tanda ko sa kanila. ng magtapos sila ng hay skul, hindi ko na alam saan napadpad ang babaitang ito dahil nga naman, bakit ko naman susubaybayan ang buhay nya eh acquaintance lang diba (yesss, lumelevel talaga, 2nd usage na!!!).

hanggang sa nauso ang mga my space, friendster, multiply, hi5, facebook, etc etc etc. siempre, dahil mga pilipino tayo, dun tayo sumapi sa kung ano ang in! friendster davah. so friendster siya ng kapatid ko at siempre, dahil kapatid ko, friendster ako ng kapatid ko. kumbaga sa network eh common link namin si kristeta. (yah, wag na nating ipaliwanag pa at alam na ng mga taong nagbabasa ng multiply yan. pero konting paliwanag na rin para sa kapakanan ni trisha klein.)

eh di ayun, may i invite siya sa akin at dahil kilala ko nga, sige add na rin. siempre, noong una, masmarami kang friends, mas ok diba. sige add ng add ng add ng hanggang nabasa ko ang mga juske namang blog entries niya. hindi naman ako nalaglag sa kinauupuan o maih*-ihi sa kakatawa sa mga sinusulat nya. basta, nakakaaliw. lalo na’t noon eh sa subic goc pa ako nagtatrabaho na kung saan lahat ng pumapasok doon eh ga-buhok na lang ang layo sa pagiging luko-luko (hihi, peace sa mga bros and sis sa goc!!! di bale, pare-parehas naman tayo!).

hanggang sa napasapi na ako sa kanyang fans na kung tawagin nya ay KONTRABULATE. ano ba. nawala ako sa friendster pero kelan lang eh, ayan nanaman siya, may i invite nanaman sa FEZBUK. talagang ayaw akong tantanan.

pero seriously, si trisha klein ay hindi isang kathang isip lamang. tao rin siya. babae. may damdamin (sabay hagikgik daw ako). kahit pa hindi ko siya kaklase o kaeskwela o kahit pa ang level ng aming fwendshif eh sa internet lamang, ewan ko bakettt o paano pero ok lang na tawagin nya akong kontrabulate o pag magalang siya “ate len.”

higit sa pagiging babaeng may damdamin, isa siyang propesiyonal. propesiyonal at lisenshadong durugista (pharmacist, uhm, laban?) at pianista (dito talaga ako saludo sa kanya kasi ako, nagpipilit na pianista lang. huwaaad!).  inaabangan ko na lang rin ang araw na mawala ang bisa ng lisensha niya at makalimutan rin nya ito at siguradong ipapa-PDEA ko siya (hehehe, lam nyo na, may ispeszhal affinity tayo sa mga nasa PDEA… joke joke joke bolante uli!).

hindi mo naman bertdi, hindi rin pasko o bagong taon. wala. wala namang okasyon pero pwedeng bumati at magwiss? binabati ko ikaw bb. trisha klein na HEIDI sa totoong buhay. at ang wiss ko sa iyo eh sana makahanap ka na ng pag ibig na hindi lang yung aso mong nadedo na, na hindi puro blind item. yun bang babasahin ko at mararamdaman ko ang tindi at taas ng mga kilig factors nyo (hehe, in short, feed me the chismis! hehehe, joke)… yung proud kang kayo at ALAM NYANG KAYO (sumusobra na ata ako, sige tatapusin ko na ito)… at bukod sa lavlayf eh sana maging maayos ang 2009 para sa karir mong kinakarir mo talaga (droga! droga! droga!).

sa dinami dami ng sinulat ko dito, gagayahin ko na ang sinabi ni melanie marquez sa isang interview(At a talk show after her break-up with Derek Dee, Melanie was asked if she had some words for Derek’s mother (whom she partly blamed for the >>separation). “Oo nga,” said Melanie, “pero i-English-in ko para maintindihan niya.” She looked into the camera and, with the peremptoriness of royalty, said, “And to you, Mrs. Dee, I have two words for you. Ang labo mo!”) at ang inawit ni Lea Salonga sa kanyang kasal. Pero sila kasi two words. mashadong mahaba. eto lang ang gusto ko talagang sabihin. and to you Ms. Heidi Abot, i have one word for you “ikawangpaboritokongpatawangpepotsainternet!(spaces in between words intentionally omitted for it to qualify as one word)

cheers sistah. godbless!

disclaimer: a blog entry posted by kontrabulate lentots on her multiply blog… hehehe just a repost… =)

04
Jul

wala akong pakialam…

hehehe may galit?!?! nde… wala naman… basta feel ko this past few days deadma lang ang drama ko… wala talaga akong pakialam… at feel ko rin ito kanina… yun lang… wala lang talaga… =p

on the other hand, katatapos ko palang panoorin ung korean series na CITY HALL (watch it if you’re up for romance/comedy) grabe nde ko alam kung nakaka-relate ba ako sa story o sadyang may mga bagay akong kinaiinisan at naipon nalang ng naipon hanggang sa para akong isang payat na “cry baby…” para akong baliw haha… well, i’m such a iyakin talaga, kahit tumatawa ako (lalo na kung sobra) nakupo makkita mo nalang ako naghahanap ng tisyu kasi may namumuong luha na sa mga mata ko… ganun din sa ibang emosyon pag-masaya/galit/inis/hurt… eh wala eh… nde man halata pero iyakin talaga ako… tahimik lang sa isang tabi… at wala akong paki-alam kung un man ang maging paraan para gumaan pakiramdam ko… at gumaan naman ang pakiramdam ko… at kaya naisipan ko nalang magpunta sa rp mla kahit mejo para akong may sore eyes.. may visine naman akong dala… basta… wala akong pakialam hehehehe

alam ko walang kwenta itong nilagay ko dito… pero… wala nga akong pakialam!!!! haha gudam ^^

15
Jun

ang tipo kong lalaki…

hello philippines, hello worldmabuhay! hahaha

mejo matagal narin akong hindi nakakapagsulat ng tungkol sa walang kamatayang topic na itago nalang natin sa codename na PAG-IBIG (oi nde ito ung kinakaltas sa mga sweldo natin baka bangag ka nanaman ipinapaalala ko lang naman.. hehe)

sabi kasi ng pinsan ko gumawa na daw ako ulit ng blog entry dapat tungkol sa lab / love / pag-ibig / pagmamahal / pagsinta / pag-irog / pag dito… pag doon… hahaha so eto ako ngayon mejo moody ng konti (dahil sa mga ilang bagay² na tumatakbo sa isipan ko, minsan naglalakad na nga lang ung mga bagay na yun pagod na ata hehe…) kaya naisipan ko na nga lang din patulan ung request na iyon pero…. iikot ang entry kong ito sa tipo kong lalaki (talagang kelangan ibuking ko sarili ko dito hehehe) kasi marami narin nagiisip jan bakit daw ba hindi pa ako mag-asawa… eh bakit ba kasi?! atat ka! hehe pwede step by step… nde pabalik ung process?! baka pde naman ganun hehehe kaya wag na kayo mamrublema sa akin… makakalbo kayo nyan hehehe malay nyo naman this is it na… cross-fingers/toes/stitch hehe =p




sa totoo lang, naitatanong ko narin ito sa aking sarili lalo na nung mga panahong nagugulumihanan ako sa ilang mga bagay-bagay… hindi naman kasi ako bihasa / expert sa mga ganitong topic… basta ako, kung ano lang ung nafi-feel ko, at masaya ako sa nararamdaman kong yun, wala nang pakialamanan! hehehe =p i’m pretty sure sa mga gurls out there tinanong na rin kayo minsan (lalo na nung mga may balak pumorma / manligaw) kung ano ba ang hinahanap nyo sa isang lalaki… ewan ko nga ba, ginagawa nilang basihan ito kung papasa ba o hindi… gasgas man ang tanong na yan, eh naitatanong parin… diba?! diba?! diba?!

ikaw, matanong nga kita, ano ba ang tipo mong lalaki?! kailangan ba may batayan kang susundan? maginoo pero mejo bastos ba ‘yan? (based sa kanta ni dj alvaro hehe) kung ano man yang list nyo.. cge ilista nyo lang… nde naman yan ipapasa sa teacher hehehe.. weh corny!


and so, the moment of truth… this is it… My Type of Guy!


no. 1  physical attraction. hindi naman necessarily kelangan gwapo, matangos ang ilong, mestizo, maganda ang buhok (eh?! mas maganda pa sa akin?! hehe) matangkad, may katawan (o ayan ka nanaman baka isipin mong manananggal un… lalaking manananggal? meron ba haha), and other physical attributes… nakowww… usually naman ang binabagsakan ng criteria na ito ay kung meron ba akong spark man lang na mararamdaman, may attraction ba ako sa kanya sa una, pangalawa o kahit pang nth na tingin… although madalas ang natitipuhan ko ung mas matangkad sakin kasi… wala lang gusto ko pa tumangkad eh keyr mo?! =p kaso alam kong imposible na un hahahaha pero kung wala kami nitong no. 1 dadako tayo sa susunod…


no. 2  honest. aanhin ko kagwapuhan mo kung isa kang malaking sinungaling… kasi naniniwala ako sa kasabihan na “ang nagsasabi ng tapat, nagsasama ng maluwag..” galit ako sa taong sinungaling. kasi once na nagsinungaling ka, masusundan at masusundan un para mapagtakpan mo ang una mong kasinungalingan… hindi naman ako nagmamalinis, but i do try not to tell a lie, dibaleng diretso ang sagot ko at tamaan ka ng husto kesa magsinungaling ako, niloloko ko lang sarili ko nun and ayoko ng ganun… tsaka kaasar kaya ung magsisinungaling ka na nga’t lahat hindi pa galingan hahahahaha wag ka kasi magpapahuli sa akin.. i have my ways and means of knowing things kahit hindi ako gumalaw dito sa kinuupuan kong aerobic ball… haha ayon nga sa isa sa mga soundtrack ng series na ally mcbeal… “i’d rather you’d be mean, than love and lie… i’d rather hear the truth and have to say goodbye..” mas maganda na ung clean slate kayo nagumpisa, kesa in the end ang dami mo pa palang mga bagay na hindi nalalaman at matutuklasan mo pa sa iba… tsk tsk tsk kaw din… =p


no. 3  sense of humour. ay naku…. i love to laugh… i always want to laugh (siyempre with the presence of people around me hindi ung magisa lang ako… baliw hahaha) mababaw lang kaligayahan ko at gusto ko laging masaya kahit na puro problema ang ating mundo… mas ma-appreciate ko ung patawanin mo nlng ako kesa bilhan mo ako ng ice cream hehehehe enough said.. =p


no. 4  palabra de onor. word of honor in english… hindi pa naman extinct ang mga lalaking ito.. naniniwala akong meron pang nabubuhay na homo sapiens sapiens na nagtataglay ng ganitong katangian. at maswerte ako kung matagpuan ko ang isang lalaking hindi puro amoy mouthwash ang bibig hehehe =p siyempre dapat pag sinabi mo, gawin mo or masasaktan ung taong pinangakuan mo… kelangan sincere sa bawat sasabihin… may isang salita.. siyempre maniniwala un sayo tapos wala ka pala… puro satsat ka lang pala… *sigh*


no. 5  maabilidad. ayan, gusto ko nyan… marunong sa buhay. mala mcguyver ang dating (hindi sa hitsura okie) yung tipong hindi naman nya linya pero dahil sa maabilidad siya eh yakang-yaka nya ung mga bagay-bagay… hindi kelangan matalino, kung tamad naman jusme pde ba?!?!?! magbanat ka naman ng buto-buto hehehe… ito ung mga tipong hinding-hindi ako magugutom kung nagkataon kasi sa bawat pagsubok na daraan sa buhay namin eh makakaisip at makakaisip yun ng paraan at hindi nalang i-asa na magkakahimala… sawz


no. 6  with respect.  marunong rumespeto, hindi naman kelangan magmamano sakin tuwing magkikita kami langya ginawa pa akong lola hehehe… joke =p ito ung mga taong marunong rumespeto ng tao, mga pananaw/opinion, marunong irespeto ang sarili. it’s not something you can get in an instant pero kung marunong kang irespeto ang sarili mo, mai-earn mo rin ung respeto mula sa mga taong nakapaligid sa’yo… cgurado naman akong kung meron nito eh kahit papano konti lang ang mababasag na plato, baso, platito, vase sa bahay kasi maiiwasan ang pagaaway… hahaha


no. 7  hindi nananakit ng babae.  EVER! as in… how can you say you love me, kung sa bawat words na bibitiwan mo eh may kasamang bluish-black na pasa akong makikita kinabukasan…. leave me alone! hehehe may galit?!  haha well, hindi pa naman ako sinaktan physically, at wala akong balak maranasan ito mula sa isang taong sinasabing mahal nya daw ako… c’mon sinong niloko mo! hindi ka mahal nun kung kaya ka naman nya saktan! kaya wag kang magpaka-martyr! =p


no. 8  vices/bisyo.  hala lagot… hahaha hindi man ito isa sa mga basihan ko pero kung ako ang masusunod, sana wala siyang bisyo lalo na ang paninigarilyo (palalagpasin ko na ung drinking occassionally pero ayaw ko ng lasenggo! pero mas maganda kung wala parehas… hahaha) sadyang hindi ko kayang mabuhay ng may nalalanghap na usok maya’t maya… mahirap kasi huminga. ang liit na nga ng katawan ko eh di lalo na ung baga ko, kaya maawa ka! hehehe kaya hindi ko nahiligan ang pagpunta sa mga bars at iba pang matataong lugar dahil sa usok. kapag may usok, madali akong mapagod at antukin. tska malakas kumapit ang amoy sa buhok, baka mapagkamalan pa akong nagyoyosi sa bahay masasabon ako! tska ulit… it’s bad for your health, for anybody’s health… siyempre gusto ko pa mabuhay ng matagal kasama ang tipo kong lalaki at makita ko pa ang mga magiging apo ko (malay naman natin diba…) =p i respect one’s decision kung hindi talaga nila kayang ihinto ang bisyong ito, buhay nyo yan eh, pero gusto ko lang malaman mo na “i care…“  =)


no. 9  caring. speaking of care haha sana lang, meron cia nito… i’m longing to be cared by someone. yung ako naman… gusto ko naman maranasan ung binibaby ako kahit papaano… yung for a change hindi naman ako lahat ang magdedesisyon. maiba naman… sawa na akong ibaby sarili ko eh… pero dapat alam nya rin kung pano pangalagaan sarili nya at the same time… =)


no. 10  mabait.  kahit pagbalibaliktarin mo ang mundo, mahalaga parin yung mabait ang taong pakikisamahan mo at hindi barumbado! you know what i mean…


no. 11 responsible. lalo na for his actions. ung may direction ang buhay dahil responsable siya sa lahat ng desisyon nya na gagawin sa buhay nya… knows how to admit his faults and knows how to stand by his beliefs but also knows when to humble himself if stand corrected… mature enough to handle relationships and all.


no. 12  understanding. open minded. knows how to compromise. knowing na we’re two different people. and nobody’s alike as in parehas na parehas…


no. 13  ka-match ko. ung kaya ako. kahit papaano parehas kami ng level. nagkakaintindihan kami… hirap kaya ng hindi kayo nagkakaintindihan… baka ung language ko from planet earth ung kanya pala eh planetang yekok… hahaha diba?! joke.. hindi man kami parehas sa ilang bagay, pero nagkakasundo naman kami sa ibang bagay… ung tama lang ang timpla.


no. 14  proud siya sa akin. proud siyang ipagkalandakan sa buong mundo kung sino ako sa kanya. yung kaya nya magpaka-stupido sa ngalan ng pag-ibig… doing crazy stuffs and kahit corny papatulan nadin… nagiging corny ka kaya ang pag-inlove ka hahaha… yung hindi siya mahihiya ipakita ung affection nya pero wag naman ung tipong scandalous my gally!!! yung kaya nya sabihin sa kahit sino ultimo metro aide na “eto, mahal ko ito…” ay siyetttt!!! (hahahaha babaw ko talaga hehe dinagdag ko lang ito para maging sakto sa 15 lahat itong list ko shhhhh hehehe) =p


lastly and the most important thing….


no. 15  LOVE ako! MAHAL nya ako at ako lang… (syempre i-set aside na natin ang mga nanay at kapatid na babae nila noh pamilya un eh ehehe) aanhin ko ang lahat ng katangiang ito kung hindi naman ako mahal ng taong ito… gusto ko ako lang, walang kahati, kung meron din lang naman eh di dun ka nalang… dibale nalang dude.. =D



ang hirap pala mag-enumerate haha… so do i have anyone in mind?! secret walang clue!!! hahahaha bleh~


well, alam ko hindi lahat ng ito ay matatagpuan ko sa isang tao… wala namang taong perpekto… y praktis?! ay maling linya pala yun hehehe… seriously, pdeng 1, 5, 9 lang o 15 or more than sa mga nilista ko ang taglay niyang katangian… pero diba mas maganda kung matagpuan mo ang lalaking iyon na tatanggapin ka at ang buo mong pagkatao, ganun din ikaw sa kanya… mahal ka nya at mahal mo rin siya… kasi gaano man ka-perpek yang taong yan at talagang pinakyaw nya ung mga qualities na gusto mo kaso hindi mo rin naman labs, eh di wala din…  ok sana kung siya ung someone who will love you truly and walang halong eklavy este eklavu hehehe kasi bali wala rin naman lahat ng mga ito kung hindi mo kayang tanggapin kung anong meron at wala sa kanya…  kaya ka nga nagmamahal eh… =) wag nyong madaliin ang lahat, there’s time for everything… pero wag ka namang parang si juan tamad jan na nagaantay nalang… aba kumilos ka! hehe kung sino yung may pusong magmahal, doon ka... kung saan ka masaya… e di “suportahan ta ka!“  =)

o ikaw, what’s your type of guy ba?!?


ps. o btw i am currently watching CITY HALL hahahaha so funny talaga un lang… sensya na naalimpungatan at nde na dinalaw ng antok! hehehe =p

03
May

wedding blues…

nah… i’m not the one being wed… yet! hehe it’s just that i’ve been to a wedding and i’ll be attending another wedding and i’ve been hearing friends tying the knot and been requested to do a lot of wedding music sheets so i was kinda in the mood to write something about this EPIDEMIC WEDDINGS!!! hahahaha
i always look forward to whenever i’m invited to attend a wedding. i’m a fan of weddings. i’ve been a “suki” flower girl when i was little but was on the sideline ever since i’ve started accepting rakets/harang… lagi na lang ako nasa gilid, natatakpan ng piano… ‘pag sinuswerte at maganda angle hindi ko na tinitignan yung piyesa at dun na ako sa entourage nakatingin hahaha… lately, i’ve lay-lowed a bit sa pagiging wedding pianist. gusto ko kasi maging audience na lang. taga palakpak. mag-appreciate (minsan mamintas! hehehe bad me! =p) ng mga bagay-bagay during a wedding.  at nang hindi puro nota ang nakikita ko… maiba naman ika nga! ^_^
now that i’m in my late 20’s people i know seemed to be more pressured and worried than i am. bakit?! anong meron?! haha ^_^ well, not that i’m not aware of my age nor i’m against marriage… siyempre mahirap magplano ng walang partner hindi ba… kasihodang bonggang bongga ang pagpplano mo ng kasal mo eh wala ka naman palang groom… kumusta naman yun?! hahaha  kahit sinong babae diyan (o cge na pati na lalaki!) gusto nila ang ikasal, ang maisakatuparan ang dream wedding nila, ang ipagkalandakan sa buong society na “i’m married” and “this is my husband or this is my wife…” ‘wag kang ipokrita! alam ko gusto mo yun! hehe =p
sabi naman ng ilan, hindi na kailangan ng kasal. ok na daw yung kayong dalawa ang nagkakaintindihan. pero sa mata ko, at sa mata ng ibang tao, iba parin kapag kayo’y ipinagbuklod at may blessing mula sa simbahan/huwes o kahit saan basta may magpapatibay na kayo ay ganap nang mag-asawa (sa mata ng Diyos at mata ng tao)  well, nasa sa inyo na yan kung ano ang opinion nyo pero ako kelangan may wedding! period! hahaha
at dahil nga sa kumakalat na epidemic na ito (bukod sa swine flu na usong-uso ngayon), eto nananaman ako’t napapaisip ng tungkol sa kung anong meron ang “wedding” na yan at bakit ganun na lang ang feeling pagnakakawitness ng wedding (lalo na sa mga single like me…) na bigla-bigla na lang gusto na nila magpakasal…  now na! single LIKE me, pero hindi ako ito… ok fyn… slyt… naisip ko ito pero saglit lang mga 3 seconds! haha) sabi nga ng isang kakilala ko… parang nakakainggit daw kasi nga naman halos lahat ng mga kakilala nya, mga batchmates nya, mga kababata nya eh ayun may pamilya na, siya eto parin at nagiisa… kung sa bagay at some point pagnakita mo nga naman yung mga kakilala mo, mga kaasaran mo, mga taong hindi mo iniexpect na magkakapamilya eh eto’t may family na, diba para siyang isang kuryenteng agad-agad mong mararamdaman na “sana ako din!” o kaya “kailan kaya ako?” o kaya ulit “bakit ako nag-iisa? wahhhhhh!!!!” nakow torture bigla ang inabot mo kaiisip… pero ‘wag kang mag-alala lilipas din yan parang gutom! hahaha
kung sa bagay ulit, at the end of the day… after a hard day’s work… somehow, gusto mo yung feeling na merong isang tao jan na magko-console sa’yo, maglalambing sa’yo para mawala pagod mo, kasama mo kahit saan mo gusto… pag-uwi mo andun siya naghihintay sa’yo… yiheeee *sigh* but it doesn’t mean na kelangan mo magpakasal dahil gusto mo lang itong euphoria na naidudulot nito. aba! hindi biro ang magpakasal… hindi mo kailangan magpakasal dahil yun ang ginagawa ng mas nakararami… hindi mo kailangan magpakasal para lang masabing “hindi na ako nagiisa…” meron nga diyan diba at the age of 40+ tsaka lang nila nakita yung partner in life nila… (pero ‘wag naman sana ako umabot sa ganun… please… hehehe)… sabi nga ng mga kolokoy diyan MARRIAGE is a LIFE SENTENCE… forever na yan… at talagang sintensya yan na wala kang kawala… isang decision na ginagawa ng dalawang taong gustong pagtibayin ang pagmamahalan… (naka ng ang tagalog ko meyn!) at hindi dahil yun ang dinidikta ng karamihan…

sabi nga ulit ng isang tao diyan (o kilala mo kung sino ka! hehehe =p) nakakapagod na daw mag-isa… yung parang nakakasawa na ang pumunta sa isang lugar na siya lang ang nage-enjoy… well, i understand you, i feel for you…  kasi ganun naman talaga, lalo na kung wala ka na mauto na samahan ka sa mga trip mong gawin eh talagang no choice ka kundi magsolo-flyt… hehehe pero di bale hindi ka pa naman 100 years old para magworry… malay mo naman diba next time may matatanggap na akong wedding invitation… eh di ako naman ngayon ang ininggit mo! sira ka! hahahaha
maraming ups and downs ang pagiging single lalo na kung nasa marrying age ka na… ako?! nasa marrying age?! ano yun?! hahaha biro lang… basta ako… kung darating sa akin yan… eh di bravo! kung hindi… eh di sayang… ganda pa naman ng lahi ko! (hahaha parang nagbbreed lang ng aso eh no!?!) o ikaw kelan ka ba ikakasal?! ^_^



petsa

October 2009
S M T W T F S
« Sep    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

noong unang panahon...